Dalawang motorcycle rider patay matapos maaksidente sa Pangasinan

By Justinne Punsalang December 06, 2018 - 12:29 AM SHARE(S):

Nasawi ang dalawang motorcycle rider matapos bumangga sa isang pampasaherong bus sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Noel Disu at Darwin Terrado, kapwa 18 taong gulang.

Isinugod pa sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ang dalawa, ngunit hindi na sila umabot pa ng buhay.

Ayon sa mga otoridad, napunta sa kabilang kalsada ang minamanehong motor ni Disu dahilan upang bumangga sa paparating na bus patungong Dagupan City.

Parehong tumilapon sina Disu at pasaherong si Terrado dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.

Sa ngayon ay hawak na ng San Fabian Municipal Police ang driver ng bus na si Rolando Sanchez habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon tungkol sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.