Rider nakabangga ng isang pedestrian sa Parañaque City

By Justinne Punsalang December 06, 2018 - 04:27 AM SHARE(S):
Contributed photo

Kapwa sugatan ang isang motorcycle rider at isang pedestrian matapos maaksidente sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Maayos naman ang kundisyon ng rider na nakilalang si Mark Jason, maging ang biktima nitong si Christian Bernese.

Batay sa paunang impormasyon mula sa mga otoridad, binabagtas ng rider ang kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue nang mabangga sa madilim na bahagi ng kalye si Bernese.

Sa lakas ng pagbangga, kapwa tumilapon ang dalawa.

Kwento ng ilang saksi, mabilis ang patakbo ni Mark Jason sa motor habang nakainom umano si Bernese.

Aminado naman ang mga rescuers na madalas magkaroon ng aksidente sa lugar dahil sa kawalan ng pailaw sa kalye.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.