M3.3 na lindol naitala sa Dinagat Island

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Dinagat Island alas-3:43 ngayong madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong tatlong kilometro Hilagang-Silangan ng San Jose.

May lalim ang pagyanig na 161 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng lindol na hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian dulot ng pagyanig.

Read more...