Pinuno ng Air Force maagang nagretiro

Western Command

Nagdesisyon ang pinuno ng Philippine Air Force na si Lieutenant General Galileo Gerard Kintanar, Jr. na magretiro ng mas maaga sa inaasahan.

Sa isang text message na ipinadala sa Inquirer.net, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang early retirement ni Kintanar.

Nakatakda sanang bumaba sa pwesto ang opisyal sa January 2020, kung kailan niya mararating ang mandatory retirement age.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na komento si Kintanar ukol sa kanyang maagang pagreretiro, habang wala namang inihayag na dahilan si Lorenzana sa pagbaba sa pwesto ng pinuno ng Air Force.

Samantala, itinalaga naman na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papalit kay Kintanar.

Sa pamamagitan ng official letter mula sa pangulo, nakasaad na si Lieutenant General Rozzano Briguez ang magiging bagong commanding general ng Air Force.

Read more...