Mga Pinoy sa Paris, pinayuhan ng DFA na mag-ingat sa nagaganap na protesta

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong nananatili sa France na maging alerto.

Ito ay bunsod ng nangyayaring marahas na protesta sa Paris.

Inabisuhan din ng Embahada ng Pilipinas sa Paris ang mga Pilipinong bumibiyahe patungong sa tinaguriang The City of Lights na iwasang bumisita sa mga sumusunod:
– Champs-Elysées
– Arc de Triomphe
– Louvre
– Tuileries
– Place Vendome
– Avenue Friedland
– Avenue Kléber
at iba pang parte ng France.

Pinayuhan din ng embahada ng mga Pinoy na huwag makiisa o lumahok sa naturang kilos-protesta.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Philippine Ambassador to France Ma. Teresa Lazaro sa DFA ang patuloy na pagtutok ng sitwasyon sa lugar.

Noong December 3, mahigit-kumulang 100 katao ang sugatan sa Paris habang 412 ang inaresto dahil sa naganap na urban riot.

Read more...