Mag. 4.6 na lindol, tumama sa Surigao Del Sur

By Angellic Jordan December 05, 2018 - 10:08 PM SHARE(S):
Photo by: Phivolcs

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.6 ang lalawigan ng Surigao del Sur, Miyerkules ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 22 kilometers Northeast ng bayan ng Cortes.

Tumama ang lindol bandang 9:09 ng gabi.

May lalim itong 25 kilometers at tectonic ang dahilan.

Wala namang naitalang sira sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: lindol, phivolcs, lindol, phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.