Malabo na.
Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa tsansa na matalakay pa ang mga panukala ukol sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Aniya, kasisimula pa lang ng deliberasyon sa 2019 national budget at sa darating na Pebrero ay simula na ng campaign period.
Ang House Resolution No. 15 ay lumusot na sa ikalawang pagbasa at layon nito na ma-convene ang dalawang kapulungan bilang constituent assembly para baguhin ang 1987 Constitution.
Ito naman ang magiging daan para aprubahan ang isinusulong na federal system of government.
Sa susunod na linggo, inaasahan na maaprubahan na sa Kamara ang panukala.
Kung naipasa lang ng maaga ng Kamara sa Senado ang General Appropriations Act, maaring matatalakay pa ang ibang kontrobersyal na panukala kasama na ang Charter change o Cha-Cha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.