Agno, Pangasinan niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

By Angellic Jordan December 05, 2018 - 09:13 PM SHARE(S):
Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Pangasinan, Miyerkules ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 66 kilometers Northwest ng Agno bandang 8:35 ng gabi.

May lalim itong 19 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: lindol, pangasinan, phivolcs, lindol, pangasinan, phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.