Draft ng federal constitution di minadali ayon kay Arroyo

By Erwin Aguilon December 05, 2018 - 05:37 PM

Mariing itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang sinasabing minaniobra ng kanyang liderato sa House of Representatives ang pagpasa sa ikalawang pagbasa ng draft federal constitution.

Ayon kay Speaker GMA, dumaan sa demokratikong proseso ang isinagawang pagpasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa sa Resolution of Both Houses No. 15.

Pinagdebatehan anyang mabuti sa plenaryo ang RBH 19 at pinagbotohan ito ng mga mambatas.

Ang RBH No. 15  ay nagsusulong ng presidential-bicameral-federal system of government at binibigyang kapangyarihan ang Kongreso ng federal states sa pamamagitn ng pagconvene bilang isang constituent assembly (Con-Ass).

Inalis na sa ilalim ng inaprubahang draft ng federal constitution ang term limit ng mga kongresista at senador gayundin ang pagbabawal sa political dynasty.

Laman rin ng draft ang panukala na hanggang apat na taon lamang ang termino ng pangulo at pangalawang pangulo pero pwede silang tumakbo bilang re-electionists.

TAGS: Arroyo, charter change, Congress, Federal constitution, Arroyo, charter change, Congress, Federal constitution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.