Misinformed at namimislead daw ang ilang personalidad ukol sa isyu ng mga Lumad sa Mindanao.
Sa panayam sa kamara, sinabi ni AFP Civil Relations Service Commander Brig. General Joselito Kakilala, hindi alam ng mga artista gaya nina Aiza Seguerra at Maine Mendoza o Yaya Dub ang totoong storya kaugnay sa mga Lumad.
Inihalimbawa ni Kakilala si Seguerra na nagtungo pa sa isang rally ng Manilakbayan Lumads.
Kumalat naman sa social media ang fan sign ni Yaya Dub kung saan nakasulat ang mga katagang “We stand with Lumads #SAVE OUR SCHOOLS.”
Ayon kay Kakilala, kapag nalaman nina Seguerra at Yaya Dub ang “real story” tiyak daw na magkakaroon ng reservations at hindi sila magpapagamit sa kontrobersiya.
Muli ring iginiit ni Kakilala na hindi natitinag ang AFP sa social media support na nakukuha ngayon ng mga Lumad.
Sila umano sa AFP ay ginagawa ang lahat para protektahan ang mga Lumad, bukod pa sa nagsasagawa ng mga peace keeping missions at outreach programs para sa mga katutubo.
Ang mga Lumad ay indigenous people na biktima ng mga brutal killings, harrassment at pinaalis pa sa kanilang ancestral lands.