Mga nagtapos ng abogasya katumbas na ng kumuha ng doctorate degree
Katumbas na ng kumuha ng mga doctorate degree ang mga nagtapos at magsisipagtapos ng abogasya.
Base sa Legal Education Board memorandum No. 12, nagkakaroon ng pagkalito sa publiko na ang graduate ng Bachelors of Laws o LLB ay katumbas ng nagtapos ng bachelor’s level.
Nakasaad sa LEB memo na hindi ito akma dahil tapos na ng apat na taong kurso ang maari kumuha ng abogasya maging ito man ay LLB o Juris Doctor.
Maari ding sabihin ng publiko na na ang mga abogado na nagtapos ng LLB ay mas mababa ang kalidad kumpara sa mga abogado na nagtapos ng Juris Doctor o JD.
Dahil dito sa resolusyon ng LEB en banc inaprubahan nito na ang mga nagtapos kursong abogasya ay gawin ng JD o professional doctorate degree.
Pinapapalitan na rin ng LEB ang curriculum ng mga law school patungo sa JD simula sa unang semestre ng 2019.
Ang mga nagtapos naman ng LLB ay maari kumuha ng bagong credentials na JD na ang nakalagay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.