78-anyos na pari inaresto dahil sa pangmo-molestiya sa 50 biktima

By Den Macaranas December 05, 2018 - 02:40 PM SHARE(S):

Inaresto sa Naval, Biliran ng pinagsanib na pwersa ng US Homeland Security at Bureau of Immigration ang isang 78-anyos na American Priest na nahaharap sa mga kaso ng panggagahasa.

Kinilala ng Bureau of Immigration ang inarestong pari na si Fr. Kenneth Bernard Hendricks, na matagal nang nakabase sa Biliran City.

Ayon sa record ng BI, si Hendricks ay nahaharap sa halos ay 50 kaso ng sexual harassment at rape.

Karamihan sa kanyang mga biktima ay mga sakristan at mga kaanak ng mga emplayado ng kanilang simbahan.

Naging emosyonal ang mga parishioner sa simbahan ni Father Hendricks nang siya arestuhin ng mga otoridad.

Kaagad na dinala sa Biliran Provincial Hospital ang suspek para sa kaukulang medical exam bago siya iluwas sa Maynila.

TAGS: biliran city, bureau of immigration, Fr. Kenneth Bernard Hendricks, rape, us homeland security, biliran city, bureau of immigration, Fr. Kenneth Bernard Hendricks, rape, us homeland security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.