‘Yan ang reaskyon ni Vice President Leni Robredo makaraang aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa sa panukalang draft federal charter na isinusulong ng Duterte administration.
Sa isang statement, sinabi ni Robredo na mag-iisang taon mula nang maipasa ang TRAIN Law, tumaas ang presyo ng mga bilihin at bumigat ang pasanin ng mga Pilipino.
Pero imbes na maghain ng mga solusyon sa mga problemang dulot ng naturang batas, ang inatupag ay ang Cha-Cha.
Ayon kay Robredo, dapat tutukan ng Kongreso ay ang mga panukalang magpapababa sa presyo ng mga bilihin at magbibigay sa mga Pilipino ng trabaho.
Giit ng pangalawang pangulo, unahin dapat ang mga mamamayan at mga alalahaning pinakamalapit sa kanilang bituka at pamumuhay, kaysa sa pamumulitika.
Sa kaniya umanong pag-iikot, iisa ang hinaing ng mga tao, ang pagtaas ng mga bilihin. At umaasa sila ng aksyon ng gobyerno.
Ngunit sa halip, ang nangyari ay delayed ang ayuda para sa mahihirap, binawi pa ang suspensyon ng fuel excise tax sa January 2019, at ngayon ay pinagpipilitan ang pagbago sa sistema ng pamahalaan tungo sa pederalismo.