Dating Unang Ginang Imelda Marcos nagpiyansa sa Sandiganbayan
Nagbayad ng ng kaniyang piyansa sa Sandiganbayan para sa pansamantalang kalayaan habang nakaapela ang kasong graft si dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Tanging abogado ni Mrs. Marcos ang nagtungo sa anti-graft ang naglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P300,000.
Ang nasabing halaga ay bukod sa nauna nitong ibinayad na P150,000 na piyansa kapalit ng forfeited bond nito dahil sa hindi pagdalo sa promulgation of judgment ng kaso.
Magugunita na sa naging kautusan ng 5th Division ng anti graft court, kinatigan nito ang Motion for Leave to Avail Post Conviction Remedies na inihain ng akusado gayundin ang pagpayag na makapag pyansa ito
Si Marcos ay hinatulang guilty sa pitong counts ng graft dahil sa pagbuo ng mga Swiss foundations noong siya ay gobernador pa ng Metro Manila at humawak ng iba pang posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.