6 percent inflation good news ayon sa Malakanyang

Good news para sa Malakanyang ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 6 percent ang inflation sa bansa sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi kasi nag-alinlangan si Pangulong Rodrigo Duterte na maglatag ng mga hakbang para maibaba ang presyo ng mga bilihin.

Halimbawa na lamang aniya ang administrative order number 13 na inisyu ng pangulo kung saan nagkaroon ng streamlining procedures sa importasyon ng mga agricultural at fishery products.

Tiniyak pa ni Panelo na patuloy na magiging mapagmatyag ang gobyerno at imomonitor ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Pinagsusumikapan din aniya ng pamahalaan na matugunan ang problema sa pagkagutom ng mga Filipino at magkaroon ng food security.

Read more...