Apat na bahay nasunog sa Baguio City

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2018 - 12:18 PM SHARE(S):

Apat na bahay ang nasunog sa Barangay Scout Barrio sa Baguio City, Miyerkules (Dec. 5) ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jessie Lopez dahil sa naiwang washing machine na nakasaksak.

Wala namang naisalbang gamit ang pamilya Lopez at nasunog pa ang tatlo pang mga katabi nilang bahay.

Tumagal lang ng 30-minuto ang sunog na agad ding naideklarang fire out.

Aabot sa higit P300,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

 

TAGS: baguio city, fire incident, baguio city, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.