2 suspek sa pagpatay sa isang empleyado ng DepEd, nahuli na

By Isa Umali December 05, 2018 - 12:07 PM SHARE(S):

Arestado ang nasa dalawang suspek sa pagpatay sa Ateneo graduate at empleyado ng Department of Education o Deped na si Francis de Leon.

Batay kay Supt. Roger Quesada, chief of police ng Marikina City Police, nahuli ang dalawang suspek sa Barangay Tumana at Marikina Heights.

Ala 1:30 ng hapon ay magsasagawa si NCRPO Chief Guillermo Eleazar ng press conference ukol sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Matatandaan na noong December 1, natagpuang wala nang buhay si de Leon sa Marikina, o nasa 500 meters lamang ang layo mula sa kanyang tahanan.

Ang biktima ay nagtamo ng saksak sa leeg, at nawawala rin ilan sa kanyang mga gamit, na posibleng hinoldap ng mga suspek.

Miyerkules ng umaga ay na-crimate na ang mga labi ni De Leon.

TAGS: Ateneo Graduate, deped, Francis De Leon, Ateneo Graduate, deped, Francis De Leon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.