Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano pagbabayad ni Arroyo ng kanyang tax liabilities noong 2004 hanggang 2009 at sa kabiguan umano nitong magsumite ng income tax returns at magbayad ng income taxes sa taong 2005, 2008 at 2009.
Sa 13-pahinang extended minute resolution, hindi nakitaan ng iregularidad ng Supreme Court First Division ang desisyon ng CTA na ipawalang-sala si Arroyo.
Kumbinsido ang Korte Suprema sa batayan ng CTA sa pagbasura ng kaso at iyan ay ang kabiguan umano ng prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya.
Hindi raw kasi naiprisinta ng BIR ang pinagmulan ng kinukuwestiyong kita ni Arroyo.
Premature o maaga umano ang ginawa ring paghahain ng estado ng petisyon sa Korte Suprema.
Dapat daw kasi ay naghain muna ang gobyerno ng motion for reconsideration sa CTA.