Pag-abswelto kay dating Cong. Mikey Arroyo sa kasong tax evasion, pinagtibay ng SC

By Ricky Brozas December 05, 2018 - 11:38 AM

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng gobyerno na kumukwestiyon sa pag-abswelto ng Court of Tax Appeals (CTA) kay dating Ang Galing Pinoy Party List Representative Juan Miguel Arroyo sa kasong tax evasion.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano pagbabayad ni Arroyo ng kanyang tax liabilities noong 2004 hanggang 2009 at sa kabiguan umano nitong magsumite ng income tax returns at magbayad ng income taxes sa taong 2005, 2008 at 2009.

Sa 13-pahinang extended minute resolution, hindi nakitaan ng iregularidad ng Supreme Court First Division ang desisyon ng CTA na ipawalang-sala si Arroyo.

Kumbinsido ang Korte Suprema sa batayan ng CTA sa pagbasura ng kaso at iyan ay ang kabiguan umano ng prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya.

Hindi raw kasi naiprisinta ng BIR ang pinagmulan ng kinukuwestiyong kita ni Arroyo.

Premature o maaga umano ang ginawa ring paghahain ng estado ng petisyon sa Korte Suprema.

Dapat daw kasi ay naghain muna ang gobyerno ng motion for reconsideration sa CTA.

TAGS: court of tax appeals, mikey arroyo, tax evasion, court of tax appeals, mikey arroyo, tax evasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.