Port of Subic nakakulekta ng mahigit P2B, pinakamataas sa kasaysayan ng BOC
Ipinagmalaki ng Bureau of Customs – Port of Subic ang malaking nakulekta nila sa revenue target sa huling quarter ng taon mula sa buwan ng October hanggang November 2018.
Ang BOC Subic port ay nakakulekta ng import duties and taxes na umaabot sa P2.182 billion sa buwan October, mas mataas sa P2.095-billion revenue target para sa buwan.
Ang actual na nakolekta ng BOC Port of Subic sa buwan ng November ay pumapalo sa P2.347 billion, ang pinakamataas na revenue collection sa kasaysayan.
Matatandaan na noong nakaraang September, ang Port of Subic ay nakakolekta na umaabot sa P93-million ang sobra kung saan nasungkit nila ang P2.188 billion kumpara sa kanilang target na P2.096 billion.
Napag-alaman na ang Port of Subic ay hindi nagbabago ang kanilang koleksyon simula nang maupo ang batang batang abogado na si district collector Ma. Rhea M. Gregorio.
Ayon kay Greorio ang Port of Subic ay nanatiling committed sa kanilang kampanya na makakolekta ng revenues at maging vigilante para mapigilan ang mga smuggling at iba pang uri ng ilegal na gawain.
Layon ng Port of Subic na makakolekta ng P1.888 billion na kita ngayon buwan ng December.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.