2.2 milyong Pinoy walang trabaho batay sa latest Labor Force Survey

Nakapagtala ng 5.1% na unemployment rate ang Philippine Statistics Authority (PSA) base sa kanilang Labor Force Survey para sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa PSA, ang underemployment rate naman ay bumaba ng bahagya sa 13.3% para sa buwan ng Oktubre kumpara sa parehong panahon noong 2017.

Ang naturang datos ay kumakatawan sa 41.3 million na Filipinos na mayroong trabaho, 2.2 million na unemployed at 5.5 million na underemployed.

Ang jobless rate ay ibinase sa bilang ng mga Pinoy na walang trabaho na edad 15 pataas. Ang underemployed naman ay kumakatawan sa mga mayroon nang trabaho pero nais pang magkaroon ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na hanapbuhay.

Ang datos sa bilang ng mga walang trabaho na inilabas ng PSA ay malayo sa resulta ng huling survey na ginawa ng Social Weather Stations nong Setyembre kung saan lumitaw na 9.8 million na Filipinos ang walang trabaho.

Read more...