May 44 na foreign terrorist fighters na kumpirmadong nasa bansa – Prof. Banlaoi
Kinumpirma ni National Security Expert Professor Rommel Banlaoi na may panibagong banta ng terorismo sa Mindanao dahil sa pagpasok ng mga dayuhang terorista.
Sa panayam ng Radyo Inquirer Sinabi ni Banlaoi na ang mga dayuhang terrorist fighters sa iba’t ibang panig ng mundo ay ikinunsidera ang Mindanao bilang alternatibong destinasyon.
Paliwanag ni Banlaoi, nakikita ng mga dayuhang terrorist fighters ang Mindanao na tamang lugar para ilunsad ang kanilang Jihad.
Kabilang din sa dahilan kaya napipili ng mga dayuhang terorista ang Mindanao ay dahil sa lokasyon nito.
Sa impormasyon ni Banlaoi, mayroong 44 na dayuhang terorista ang kasalukuyan ngayong nasa Pilipinas.
Galing sa iba’t ibang bansa ang mga terorista, pero karamihan ay mula sa Indonesia, Malaysia, Middle East at kamakailan ay nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga terorista na galing sa Morroco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.