Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, napagdesisyunan ang pagkansela sa prangkisa ng bus company matapos ang deliberasyon sa kinasangkutang aksidente ng bus ng Dimple Star na nahulog sa bangin sa a cliff in Sablayan, Occidental Mindoro.
Ani delgra, sakop ng kanselasyon ang buong fleet ng Dimple Star na mangangahulugang hindi na pwedeng bumiyahe ang 118 na mga bus unit nila.
“We are cancelling the franchise of the entire fleet of Dimple Star because of repetitive recklessness in their transport service. One death is already one too many,” ani Delgra.
Bago ang pagkansela sa lahat ng prangkisa ay pinatawan na ng 30 araw na preventive suspension ng LTFRB ang mga bus ng Dimple Star na bumibiyage sa ruta mula San Jose, Occidental Mindoro patungong Maynila.
Sa rekord ng LTFRB, mula 2011 hanggang 2018 ang Dimple Star Bus Company ay nasangkot na sa walong aksidente sa lansangan kung saan 25 katao na ang nasawi at 134 ang sugatan.