Patrick Beverley ng Los Angeles Clippers pinagmulta ng NBA dahil sa pambabato ng bola sa fan

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2018 - 09:48 AM SHARE(S):
NBA Photo

Pinagmulta ng pamunuan ng NBA ang guard ng Los Angeles Clippers na si Patrick Beverley ng $25,000 dahil sa pagbato ng bola sa fans sa laban nila ng Dallas kamakailan.

Nangyari ang insidente matapos ma-technical foul si Beverley at masipa sa game sa nalalabing 9 minutes and 10 seconds sa 4th quarter.

Natalo ang Clippers laban sa Mavericks sa score na 114-110.

Sa paliwanag ni Beverly, binato umano niya ang fan dahil minura umano nito ang kaniyang ina. Mas matatanggap pa umano niya na siya ang murahin kaysa ang kaniyang ina.

Aminado naman ang fan na nakilalang si Don Knobler sa kaniyang pagmumura matapos masira ang ngipin ni Mavericks point guard Dennis Smith Jr. dahil sa foul ni Beverly.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng insidete si Beverly sa isang fan.

Noong 2017 napagmulta na rin siya dahil nakasagutan niya ang fan ng Oklahoma City Thunder.

TAGS: NBA, Patrick Beverly, Radyo Inquirer, NBA, Patrick Beverly, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.