Inflation rate para sa buwan ng Nobyembre bumaba sa 6.0% – PSA

Inquirer Photo | Ben De Vera

Bahagyang bumagal ang pagsipa ng inflation sa nagdaang buwan ng Nobyembre.

Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales ng Philippine Statistics Authority (PSA), 6.0 percent lamang ang naitalang inflation noong nakaraang buwan.

Mas mababa ito kumpara sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.

Top contributors sa overall inflation rate ang pagkain at non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas; at transport.

Sa NCR, bumagal sa 5.6 percent ang inflation mula sa dating 6.1 percent.

Ang Bicol naman ang nanananatiling may pinakamabilis na pagsipa ng inflation na 8.9 percent, pero mas mababa ito kumpara sa 9.9 percent noong nakaraang buwan.

Read more...