13th month pay dapat maibigay sa mga empleyado bago mag-Pasko

Nagpaalala ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa mga employer na dapat nilang maibigay sa kanilang mga manggagawa ang 13th month pay bago mag-Pasko.

Ayon sa NWPC, hindi dapat lumagpas sa petsang Dec. 24 o bisperas ng Pasko ang pagkakaloob ng 13th month pay sa mga empleyado.

Maliban dito, ipinaliwanag din ng komisyon na maging ang mga nag-resign nang empleyado ay entitled pa rin o dapat pa ding bigyan ng 13th month pay.

Ito ay kung nag-resign sila sa loob ng kasaluyang taon.

Pinayuhan naman ng komisyon ang mga manggagawa na magsumbong sa kanila o sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung mabibigo ang kanilang employer na ibigay ang kanilang 13th month pay.

Read more...