PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Dec. 5

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2018 - 08:09 AM SHARE(S):

Ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan ang mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw.

Sa abiso ng Meralco, sa Caloocan City, mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas (Huwebes) ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Bgy. Sta. Quiteria.

Sa Parañaque City naman, sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Masville Subdivision.

Sa Taguig City, sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng haponngayong araw ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Bgy. Bambang.

Habang sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya at alas 4:00 ng madaling araw bukas (Huwebes) ang power interruption sa bahagi ng Fort Bonifacio Global City.

Sa Bulacan naman sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon ang power interruption sa San Jose Del Monte City.

Apektado nito ang bahagi ng Bgy. Tungkong Mangga, San Manuel, Graceville, at Ciudad Real.

TAGS: meralco, public service, Radyo Inquirer, meralco, public service, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.