P2M reward para sa ikadarakip ng mga pumatay sa Bulacan Judge
Umabot na sa P2 million ang reward sa sinumang makakakapagbigay ng impormasyon sa mga taong nasa likod ng pamamaslang kay Bulacan Regional Trial Court Branch 84 Judge Wilfredo Nieves.
Si Judge Nieves ay inambush kahapon ng hapon sa Brgy. Tikay Malolos, Bulacan ng ilang armadong mga kalalakihan.
Sinabi ni Malolos Bulacan Police Chief Supt. Erwin Tadeo na isang concerned citizen ang magbibigay ng P1.5 Million na reward samantalang P500,000 naman ang magmumula sa lokal na pamahalaan ng Malolos.
Mahigit sa dalawampung bala ang tumama sa Toyota Fortuner na sinasakyan ng hukom kung saan karamihan sa mga ito ay tumama sa kanyang ulo at katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Si Judge Nieves ang nagbaba ng hatol sa tinaguriang Carnap King ng Metro Manila at Central Luzon na si Raymond Dominguez noong April 2012.
Bukod sa nasabing kaso, tinitingnan din ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang iba pang anggulo na posibleng may kinalaman sa pananambang sa nasabing hukom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.