Saudi Crown prince Mohammed bin Salman tahasang inakusahan ng US senator sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2018 - 07:56 AM SHARE(S):

Isinailalim sa briefing ng CIA ang mga mambabatas sa amerika kaugnay sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi.

Matapos ang briefing sinabi ni US Senator Bob Corker na malinaw na oiniutos ni Saudi Crown prince Mohammed bin Salman ang pagpatay sa mamamahayag.

Tahasan ding sinabi ni Corker na kung maihaharap lang sa husgado ngayon ang crown prince ay tiyak agad itong mahahatulan.

Si Corker n achairman ng Senate Foreign Relations Committee ay isa lamang sa mga mambabatas sa Amerika na isinailalim sa briefing ni CIA Director Gina Haspel hinggil sa pagkamatay ni Khashoggi.

TAGS: cia, jamal khashoggi, US Senator Bob Corker, cia, jamal khashoggi, US Senator Bob Corker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.