6 na Chinese arestado sa pagdukot sa 2 Taiwanese

By Dona Dominguez-Cargulo December 05, 2018 - 07:53 AM SHARE(S):

Arestado ang anim na Chinese National dahil sa pagdukot sa dalawang Taiwanese.

Ayon kay Las Pinas City police intelligence unit head, Chief Insp. Marlo Solero, nagkasa sila ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula mismo sa mga otoridad sa Taiwan.

Aabot sa 1 million Chinese yuan ang hinihinging ransom ng mga suspek mula sa pamilya ng mga biktima.

Ayon naman sa mga naarestong suspek, utang ang sinisingil nila sa dalawang Taiwanese.

Nagkautang umano ang mga ito dahil sa pagka-casino.

Ang bahay na nirerentahan ng mga suspek ay natunton ng mga pulis sa Barangay Pilar at doon na ikinasa ang operasyon.

Nailigtas naman ang dalawang dayuhang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa mga suspek na posibleng bahagi umano ng mas malaki pang sindikato.

TAGS: Las Piñas City, metro, Radyo Inquirer, Las Piñas City, metro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.