Drug suspek kritikal matapos mang-agaw ng baril ng pulis sa Pasay

By Rhommel Balasbas December 05, 2018 - 07:06 AM SHARE(S):

Kritikal ang kondisyon ng isang lalaki matapos tangkaing agawin ang baril ng isang pulis sa Brgy. 67, Pasay City.

Reresponde lamang sana ang mga pulis sa umano’y transaksyon ng iligal na droga sa naturang lugar.

Gayunman, nang makarating ang pulisya sa lugar, pumasok sa barong-barong ang lalaki na sinubukang agawan ng baril ang rumurespondeng pulis.

Dahil dito, nagpambuno ang dalawa na nagresulta sa pagputok ng baril sa dibdib ng lalaki.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng umano’y drug suspek na sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan sa Pasay City General Hospital.

TAGS: drug suspect, metro, Pasay City, Radyo Inquirer, drug suspect, metro, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.