M3.4 na lindol yumanig sa Surigao del Sur
By Rhommel Balasbas December 05, 2018 - 06:55 AM
Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-5:13 ngayong umaga.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong siyam na kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Lingig.
May lalim ang pagyanig na 127 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol na hindi naman nagdulot ng aftershocks.
Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.