Ito ay matapos umpisahan ng kagawaran ang pagpapatupad sa “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018”.
Ipinag-utos ni Transporation Sec. Arthur Tugade ang paglalagay sa mga tanggapan at ahensya sa ilalim ng DOTr sa heightened alert para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya ngayong holiday season.
Ani Tugade, nais ng kagawaran na tulungan ang publiko na magkaroon nang mabilis, komportable at ligtas na paglalakbay.
Tiniyak ng kalihim na ang lahat ng ahensya ng DOTr ay magpapatupad ng 24/7 operations at bukas ang kanilang mga linya ng komunikasyon.
Sapat din anya ang mga tauhan sa lahat ng booths, counters at mga pasilidad upang maiwasan ang mahahabang pila sa mga terminal.
Dagdag pa ni Tugade, magkakaroon din ng regular na updates sa kanilang mga websites at social media accounts.