3 miyembro ng “ipit gang” arestado sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2018 - 06:31 AM SHARE(S):

Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng “ipit gang” matapos na mambiktima ng dalawang estudyante sa España, Maynila.

Ayon sa biktimang estudyante, naramdaman niyang iniipit siya ng mga suspek habang pasakay siya ng UV Express at saka kinuha ang kaniyang cellphone.

Makalipas ito, isa pang babae ang nabiktima din sa bahagi naman ng P. Noval Street.

Nagsisigaw ng holdap ang babae dahilan para maagaw ang atensyon ng mga tao sa lugar.

Tatlo sa limang mga suspek ang naaresto ng mga pulis habang ang dalawa ay nakatakas.

Hindi naman naibalik ang dalawang cellphone na nakuha sa mga biktima dahil bitbit ito ng mga nakatakas na suspek (END/DD)

TAGS: arrested, Ipit Gang, manila, arrested, Ipit Gang, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.