Magpinsan arestado sa ‘gunrunning’ sa Navotas

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2018 - 06:29 AM SHARE(S):

Nadakip ang magpinsan sa Navotas City dahil sa pagkakasangkot sa pagbebenta ng baril.

Ayon sa Navotas City police, nagkasa sila ng buy-bust operation sa isang bahay sa Barangay Northbay Boulevard.

Ang magpinsan ay nakuhanan ng isang kalibre 45 baril at kalibre 38 na abril.

Mayroon ding siyam na iba pang dinatnan sa lugar na naaktuhan sa kasagsagan ng drug session.

Aabot sa P100,000 hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 

TAGS: arrested, buy bust, metro, Navotas City, Radyo Inquirer, arrested, buy bust, metro, Navotas City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.