Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa Easterlies

By Rhommel Balasbas December 05, 2018 - 04:55 AM

Walang sama ng panahon na makakaapekto sa susunod na tatlo hanggang limang araw sa bansa.

Sa 4am weather update ng PAGASA, easterlies lamang o mainit na hanging mula sa karagatang Pacifico ang umiiral sa bansa.

Dahil sa easterlies, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Albay, Sorsogon, Masbate, Eastern Visayas, Davao Oriental, Davao Occidental, Soccsksargen at Sulu Archipelago.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay sisikatan ng araw na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, ang northeast monsoon o hanging Amihan naman ay posibleng maranasan muli sa north Luzon sa weekend.

Walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.