Pangulo Duterte pabor na gawing ligal ang medical marijuana

By Chona Yu December 05, 2018 - 12:52 AM

Matapos magbiro na gumagamit ng marijuana, pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing ligal ang marijuana.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tanging sa medical use at hindi sa kung ano pa man pabor ang pangulo na gawing ligal ang marijuana.

“Well, the President already made a statement on that prior. He said for purposes of medicine to heal, he’s in favor, but not for use other than that,” paliwanag ni Panelo.

Sinabi ni Panelo na noon pa man, naniniwala na ang pangulo na ginagamit ang marijuana bilang sangkap sa modern medicine.

Matatandaang umani ng batikos ang pangulo nang sabihin nitong gumagamit siya ng marijuana para manatiling gising dahil sa kanyang hectic schedule.

Gayunman, kalaunan ay binawi ng pangulo ang pahayag at sinabing nagbibiro lamang siya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.