Biro ni Pangulong Duterte sa paggamit ng marijuana hindi ikasasama bilang isang lider

By Chona Yu December 05, 2018 - 01:50 AM SHARE(S):

Naniniwala ang Palasyo ng MalacaƱan na hindi ikasasama bilang isang lider ang biro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng marijuana.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naipakita na at nakapagbigay na ng halimbawa ang pangulo ng pagiging isang mabuting lider.

Bukod dito, karapatan ni Pangulong Duterte na magbiro at bilang isang lider ay hindi ito dapat na pagkaitan ng kanyang kalayaan na magbiro.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na hindi dapat na pansinin ang mga biro ng pangulo lalo na kapag walang logic.

Hindi naman nababahala si Panelo na napanood ng mga bata ang biro ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng marijuana.

Ayon kay Panelo, hindi pa naman naiintindihan ng mga bata ang marijuana at hindi rin naman nanonood sa mga talumpati ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.