Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na gagawin lamang katatawanan ang Saligang Batas kung sa ikatlong pagkakataon ay palalawigin ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Lagman, walang basehan sa Konstitusyon ang planong extension ng batas militar sa Mindanao.
Sinabi nito na wala namang nangyayaring rebelyon sa rehiyon at kailangan ang martial law ito para sa seguridad ng publiko.
Mistulang panunuya umano sa constitutional injunction ang 586 days na Martial Law dahil hindi nito sinunod ang maiksing panahon na pinapayagan para sa deklarasyon.
Ang ikatlong extension aniya ay nangangahulugan lang na inaamin ng militar at pulisya na nabigo ang kanilang unang layunin.
Pangamba pa ng kongresista, posibleng lumala ang karahasan at human rights violations gaya ng nangyari sa grupo nina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ACT Teachers Representative France Castro.