Ina ng binatilyong survivor ng Sagay Massacre, nagsampa ng reklamo laban sa kanyang partner, mga pulis

By Rhommel Balasbas December 05, 2018 - 02:18 AM

Nagsampa ng mga kasong kriminal ang ina ng 14-anyos na binatilyong survivor ng Sagay Massacre laban sa kanyang dating partner at ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Inihain ang mga reklamo sa Department of Justice (DOJ) kahapon sa pamamagitan ng mga abogado ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Ayon sa ginang na tumangging pangalanan para maprotektahan ang kanyang anak, nilabag ng kanyang dating partner ang Republic Act No. 9262 o Violence Against Women and Children Act.

Sinampahan din reklamo ang tatlong police officers sa paglabag sa R.A No. 7610 o Anti-Child Abuse Law at sa Rule on Examination of a Child Witness.
Nakilala ang mga pulis na sina Chief Insp. Robert Mansueto, hepe ng Sagay City Police Station; SPO1 Julia Ann Diaz at PO1 Christine Mapusaw.

Ayon sa inihaing reklamo, nakatanggap ang ginang at ang kanyang anak ng pananakot mula sa mga respondents at maging isa sa kanilang mga abogado ay sinampahan din ng kasong kriminal.

Ang complainant na ginang ay ina ng batang nakaligtas sa massacre sa Sagay City, Negros Occidental noong Oktubre na ikinasawi ng siyam na magsasaka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.