Adam Lambert at Queen magkakaroon ng concert tour sa 2019

By Justinne Punsalang December 05, 2018 - 12:43 AM SHARE(S):
Adam Lambert

Isang panibagong concert tour ang gagawin ni Adam Lambert sa Estados Unidos sa susunod na taon.

Pinamagatang “Rhapsody” ang tour kung saan makakasama niya ang dalawa sa mga miyembro ng bandang Queen na sina Bryan May at Roger Taylor.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ang tatlo sa entablado.

Unang nagtanghal sina Adam at mga miyembro ng Queen noong 2009 para sa finale ng “American Idol.”

Sinundan naman ito ng iba pang mga performance sa 180 shows sa buong mundo.

23 ang magaganap na concert simula sa July 10 sa Vancouver, British Columbia hanggang Agosto sa Charlotte, North Carolina.

Magsisimula naman ang bentahan ng tickets para sa concert tour sa December 7 sa website na LiveNation.com, ngunit magkakaroon ng pre-selling ng mga tickets bukas, December 6.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.