Bersamin nakapanumpa na bilang Chief Justice

By Rhommel Balasbas December 05, 2018 - 01:21 AM

Pormal nang nakapanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Chief Justice Lucas Bersamin.

Sa isang press statement na inilabas ng Malacañang, naganap ang ceremonial oath ni Bersamin kahapon.

Kasama ng bagong punong mahistrado ang kanyang pamilya.

Si Bersamin ang ikalawang appointee ni Duterte sa pinakamataas na posisyon sa sangay ng hudikatura.

Pinalitan nito si Teresita Leonardo-De Castro na naabot na ang mandatory retirement noong Oktubre matapos magsilbi bilang CJ sa loob lamang ng 41 araw.

Samantala, nanumpa na rin sa pangulo sina Supreme Court Associate Justices Ramon Paul Hernando at Rosmari Carandang.

Pinangunahan din ng pangulo ang oath-taking ng 49 na bagong talagang government officials na kinabibilangan ng trial court judges, state prosecutors at state solicitors.

Sa kanyang talumpati, hinimok ng presidente ang mga bagong talagang opisyal na tulungan siya para mapangalagaan ang bansa at maprotektahan ang mga mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.