UP Manila nagkansela ng pasok para sa Game 2 ng UAAP Finals

By Justinne Punsalang December 05, 2018 - 12:09 AM SHARE(S):

Sinunspinde ng University of the Philippines Manila ang pasok sa hapon ngayong araw para bigyan ng pagkakataon ang UP community na suportahan ang Game 2 para sa UAAP Season 81 men’s basketball finals sa pagitan ng UP Fighting Maroons at Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Batay sa official Facebook page ng UP Manila, magsisimula mamayang alas-4 ng hapon ang class suspension sa UP Manila, kung saan tatlong mga lugar ang tatayuan ng mga viewing screens.

Samantala, hinimok naman ni Blue Eagles assistant coach Sandy Arrespacochaga ang Ateneo community na suportahan ang laban.

Ito’y matapos halos mapuno ng mga taga-suporta ng UP ang unang laban ng dalawang koponan.

Magpapakalat naman ng 268 mga pulis sa paligid ng Araneta Coliseum sa Quezon City upang panatilihin ang kapayapaan sa kasagsagan ng laro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.