3 patay sa pagsabog sa loob ng isang mall sa Malaysia

By Justinne Punsalang December 05, 2018 - 01:48 AM SHARE(S):
Sarawak State Disaster Management Committee

Nasawi ang tatlo katao, habang sugatan ang 22 iba pa matapos magkaroon ng pagsabog sa loob ng isang shopping mall sa Kuching, Malaysia.

Ayon kay Sarawak Fire and Rescue Department chief Khirudin Drahman, nasawi sina O Kui Lim, Tchee Kiam Jong, at Chin Hsien Loong matapos matabunan ng gumuhong pader dahil sa pagsabog sa CityONE mall.

Sa 22 sugatan, apat dito ang nasa kritikal na kundisyon.

Samantala, hinimok ni Local Government and Housing Minister Datuk Dr Sim Kui Hian ang publiko na huwag magpakalat ng mga ispeulasyon ukol sa pagsabog.

Ito’y matapos kumalat sa social media na may kinalaman sa racial conflict ang insidente.

Ayon kay Khirudin, mayroong posibilidad na nagkaroon ng pagsabog dahil sa nag-leak na gas cylinder.

Gayunpaman, tiniyak ng mga otoridad na magsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang mga pulis at Fire Department ukol sa pangyayari.

Sa ngayon, nakasara ang buong CityONE mall.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.