4 tricycle driver patay, 13 naospital dahil sa lambanog

By Rhommel Balasbas December 05, 2018 - 03:47 AM SHARE(S):

Patay ang apat na tricycle driver habang 13 iba pa ang isinugod sa ospital dahil sa pag-inom umano ng lambanog sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Novaliches Police Station 4 Commander Supt. Rossel Cejas, kinilala ang mga biktima na sina Delfin Bayaongos, 48 anyos; Crispulo Mateo Jr., 43 anyos; Alvin Reyes, 42 anyos at Dennis Cuadra, 37 anyos.

Kritikal naman si Alfredo, kapatid ni Cuadra.

Ani Cejas, mula Biyernes hanggang Linggo ay ininom ng mga biktima sa bahay ni Romulo Mateo ang anim na litrong lambanog na kanilang binili.

Isinugod ang mga biktima sa iba’t ibang hospital na pawang nakaramdam ng sobrang pananakit ng kanilang tiyan ayon kay Cejas.

Lumalabas naman sa autopsy na cardiopulmonary arrest ang ikinasawi ng mga biktima.

Gayunman, iniimbestigahan na ng pulisya kung kontaminado ang alak na ininom ng mga biktima.

Kasalukuyang nagpapagaling ang 13 iba pa sa East Avenue Medical Center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.