Anak nadamay sa pamamaril sa ama sa Abra

By Justinne Punsalang December 05, 2018 - 03:34 AM SHARE(S):

Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang isang anim na taong bata at kanyang ama matapos mabiktima ng pamamaril sa Bangued, Abra.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na mula sa lamay ang mag-ama nang lapitan ng lalaking sakay ng motorsiklo at pagbabarilin.

Tinamaan ng bala sa likod ang pangunahing target ng insidente na ama ng bata, ngunit nasapul din ito ng salarin.

Mabuti na lamang at kapwa nakaligtas ang mag-ama at nagpapagaling na sa ospital.

Ayon sa mga otoridad, isa sa kanilang tinitingnang motibo sa pamamaril ang paghihiganti.

Sinasabing sangkot kasi sa isang insidente ng pagpatay ang lalaking biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.