Piso humina bago ilabas ang November inflation report
Humina ang piso kontra dolyar isang araw bago ang nakatakdang paglalabas sa November inflation report.
Nagsara ang palitan kahapon sa P52.52 sa kada isang dolyar na mababa ng 20 sentimos sa P52.32 noong Lunes.
Ayon sa isang trader, ang ceasefire sa China at US trade war ay nagpahina sa piso.
Ngayong araw, ilalabas ng gobyerno ang inflation rate para sa buwan ng Nobyembre.
Nauna nang sinabi ng Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng umabot lamang sa 5.8 hanggang 6.6 percent ang inflation rate sa nagdaang buwan.
Mas mababa ito sa 6.7 percent na naitala para sa Setyembre at Oktubre na pinakamataas sa loob ng siyam na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.