Tindera ng imahen ng Sto. Niño pinagsasaksak at ginahasa sa Davao City

By Justinne Punsalang December 05, 2018 - 03:31 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang babae matapos itong pagsasaksakin sa dibdib sa Barangay Manambulan, Davao City.

Ayon sa mga pulis, posibleng ginahasa rin ang 49 taong gulang na babaeng nagtitinda ng imahen ng Sto. Niño dahil wala itong saplot pang-ibaba nang matagpuan.

Agad namang nahuli ang 18 taong gulang na suspek na nakilalang si Carille John Capute.

Ayon sa mga otoridad, nakita kasi nila ang pantalon ng biktima sa bahay mismo ng suspek.

Sa una ay itinanggi ni Capute ang krimen ngunit kinalauna’y umamin din ito.

Aniya, dala ng kalasingan ang ginawang pamamaslang.

Samantala, nawawala ang P6,000 pera ng biktima, kaya naman mahaharap si Capute sa kasong robbery with homicide.

Ipapasuri naman ng mga pulis ang bangkay ng biktima upang malaman kung ginahasa ba ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.