6 basurero arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 05, 2018 - 04:11 AM SHARE(S):

Kalaboso ang anim na mga lalaking basurero matapos magkasa ng magkahiwalay na drug operation ang mga pulis as Quezon City.

Unang naaresto ang isang tulak ng droga at kanyang dalawang kasabwat sa Barangay Payatas B, kung saan pitong sachet ng shabu ang narekober ng mga pulis.

Sunod namang natimbog ang isa pang tulak ng droga sa Payatas Road.

Kasama nito ang dalawa niyang mga parokyano at narekober ang apat na sachet ng shabu.

Itinanggi ng dalawang target ng operasyon na tulak sila ng iligal na droga, bagaman aminadong gumagamit ng shabu.

Mahaharap ang anim sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.