Singil sa kuryente ng Meralco ngayong Disyembre posibleng bumaba

Posibleng magpatupad ng bawas-presyo sa singil ng kuryente ang Meralco ngayong buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na nagmura ang presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) na isa sa mga pinagkukunan ng kumpanya ng suplay.

Dahil dito ay mas malaki anya ang posibilidad ng pagbaba ng sa singil kaysa sa pagtaas.

Samantala, magandang balita rin ang naghihintay sa consumers sa unang dalawang buwan ng 2019.

Ayon kay Zaldarriaga, ang sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay makakaapekto sa January at February biills ng consumers.

Read more...